Arroyo awards Medal of Merit to late Francis M
AIE BALAGTAS SEE, GMANews.TV
Pormal nang iginawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang posthumous award kay Francis Magalona para sa pagtataguyod nito ng nasyonalismo sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.
Ang Presidential Medal of Merit ay tinanggap ng biyuda ni Francis na si Pia Arroyo-Magalona kasama ng kanilang walong anak nitong Miyerkules sa Reception Hall ng Malakanyang.
"We're very proud, my family is very proud of the honor given to my husband. It is just that he receives this because he's really a great patriot of the Philippines," ani Pia.
Dumalo rin sa ceremonya ang Eat Bulaga! family ni Francis na sina Joey de Leon, Vic Sotto, at Tito Sotto. Matagal-tagal ding naging host ng Eat Bulaga! si Francis.
Bago iginawad ang parangal, nagkaroon muna ng isang maikling tribute para kay Francis.
Pumanaw si Francis noong March 6 dahil sa sakit na leukemia sa edad na 44. Siya ay inihatid sa huling hantungan nitong March 11 sa Loyola Heights Memorial Park, Marikina city ilang oras matapos siyang i-cremate.
Ilan sa mga makabayang awitin ni Francis ay "Mga Kababayan", "Ito ang Gusto Ko", and "Man from Manila". Pati ang kanyang clothing line na "Three Stars and a Sun" ay hango sa disenyo ng pambansang watawat. - GMANews.TV
Other Useful Resources: Tnomeralc Web Design Toys, Free Web Directory, Myspace Proxy, Digital Knowledge, Friendster Proxy, Digiknow? - Digital Knowledge
9:47 PM
|
Labels:
Philippine Celebrities
|
This entry was posted on 9:47 PM
and is filed under
Philippine Celebrities
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment